Sunday, August 26, 2012

Ilang pananaw sa mga kaganapan sa aming bayan mula kay Glenn, isang tambay na nagsusuri.


nananatili pa rin ang Puerto Galera na isa sa pinakamagandang lugar-bakasyunang malapit sa kamaynilaan. taglay pa rin nito ang hindi matatawarang ganda ng kalikasan mula sa dalampasigan, ilalim ng karagatan at maging sa kabundukan - kagandahang nagpatanyag at nagbigay kabuhayan sa mga mamamayan. maaari ring sabihing mga katangian nagpabago sa pamumuhay at pananaw ng sarili nitong mamamayan.

hindi maitatatwang dahil sa turismo kaya kinilalang first class municipality ang bayang ito. mayroon itong kinikitang tinatayang mahigit 100 milyong piso samantalang mayroon lamang na mahigit 28,000 mga mamamayan. sa halagang ito, maaaring sabihing maaaring magkaroon ng magandang infrastructure ang bayang ito - maayos na mga daanan para sa mga tao at mga sasakyan papasok at palabas ng bayan, maayos na kagamitan para sa komunikasyon, maayos na daanan ng baha, maayos na supply ng tubig at kuryente, at maayos na mga pampublikong paaralan at pagamutan. ngunit tulad ng maraming lugar sa bansa, hindi makita o maramdaman ang mga ito sa bayang ito. kailangan ba nating maghanap ng sisisihin?

problema pa rin hanggang sa kasalukuyan ang kawalan ng maayos na supply ng tubig. hindi ko alam kung talagang mahirap ayusin ang patubig sa bayang ito o talagang hindi lang natin pinapansin ang kahalagahan ng pagkakaroon nito o talagang nais ng pamunuang pahirapan ang buhay ng mga mamamayan. 

dahil nasa isla ang mindoro ang puerto galera, kailangan nito ang maayos na sasakyang pandagat tulad ng mga roro na magsasakay papasok at palabas ng isla ng mga turista at kalakal na wala pa rin hanggang sa kasalukuyan.

hindi pa rin maayos-ayos ang supply ng kuryente na kailangan sana dahil ang pangunahing negosyo ay turismo. napupunan naman ng ilang mga resort owner ang kakulangang ito subalit hindi ng mga maliliit na negosyo at lalo na ng mga mahihirap nating kababayan.

patuloy rin ang pagbabaha lalo na sa pangunahing tunguhin ng mga turista. dahil lang ba ito sa unti-unting nakakalbong kabundukan o dahil wala nang madaanan ang tubig-baha dahil sa ang dati nitong lagusan ay unti-unting tinatayuan ng mga bahay-patirahan?

kapansin-pansin din ang hindi maayos na mga lagusan patungo sa dalampasigan na sana'y inuuna nang sa gayon ay makinabang din sa turismo ang mga mamamayang hindi biniyayaan ng pag-aari sa tabing dagat.

ilan lamang ang mga ito sa napakaraming hindi binibigyan o nabibigyan ng pansin ng pamahalaan at maging ng mga mamamayan. sa puntong ito, huwag na tayong magsisihan o maghanap ng mababato ng sisi, bagkus ay ituon na natin ang lahat ng kaya natin upang palalimin ang alam sa problema ng bayan at kung paano ito mabibigyang kasagutan.

peace

http://www.blgs.gov.ph/lgpmsv2/cmshome/index.php?pageID=23&frmIdDcfCode=8&fLguType=CM&frmIdRegion=7&frmIdProvince=41&frmIdLgu=876

No comments: