Thursday, September 21, 2006

hindi itinuturo ang kasaysayan

hindi itinuturo ang kasaysayan. sinusuri ito, inuugat, pinahahalagahan at gabay.

hindi simple ang kasaysayan. hindi basta alam mo ang nangyari, alam mo na ang kasaysayan. lahat ba ng pangyayari ay kabilang sa kasaysayan?

maraming nagsasabing boring pag-aralan ang history. puros tao, deyt, at kung anu-ano pang halos di mo makita ang kaugnayan sa ikauunlad ng buhay. karaniwang itinatanong sa lahat ng simula ng pag-aaral ng kasaysayan ang kahalagahan ng pag-aaral nito. simple lang ang maririning na kasagutan "para di na maulit ang dating pagkakamali." ibig sabihin ba nito na talagang may mali sa mga nangyari sa nakalipas? karagdagang tanong dito ay bakit sa tinagal-tagal ng pag-aaral ng kasaysayan ay hindi na naiwasto itong pagkakamaling ito?

hindi lamang para maiwasto ang nagawang pagkakamali kung kaya pinag-aaralan ang kasaysayan. isa rin itong daan upang mabuo ang pride ng bawat isa. ganito lang kasimple, kung hindi mo kilala ang iyong mga magulang, proud ka ba sa sarili mo? kung hindi mo alam ang pinagdaanang struggle ng bansa mo, proud ka bang maging mamamayan nito? maaaring maitanong, e kung pangit ang kasaysayan, magiging proud ka pa rin ba? kung ganito ang tanong, mas higit nating dapat pag-aralan ang kasaysayan at alamin kung bakit naging ganuon.

hindi lamang pagmi-memorize ng deyt at pangalan ng tao ang laman ng pag-aaral ng kasaysayan. hindi lamang pag-alam kung ano ang nangyari sa mga lugar na sikat sa halos lahat na pahina ng mga libro. mas malalim pa ito rito. mas mahalagang pagtuunan ng pansin sa pag-aaral nito ang pagsusuri kung ano at paano naganap ang mga pangyayari. mahalagang tuntunin ang ugat ng mga kaganapan. at hindi ito rito hihinto, magiging gabay natin ito upang baguhin ang kasaysayan.

iba-iba ng pananaw ang mga tao. dahil dito, iba-iba rin ang perspektiba ng mga sumulat ng kasaysayan at iba-iba rin ang perspektiba kung paano ito tatalakayin.

karamihan sa mga naunang sumulat ng kasaysayan ng bansa ay mga dayuhan. may mga pilipino rin namang nagsisulat nito, kaya lamang halos lahat din sa kanila ay aral sa dayuhang bansa. isa lang ang maaaring epekto nito, pananaw ng dayuhan ang pananaw na ginamit sa pagkatha ng kasaysayan. bagaman at medyo pabagsak umano ang antas ng kaalaman sa bansa ayon sa ilang mga statistical na pag-aaral, hindi naman napigilan ang ilang mga pilipinong gumawa ng sariling pananaw hinggil sa ating kasaysayan. dito nga pumapasok iyong tinatawag nilang pantayong pananaw. sa sarili nyong pananaw, alin ang mas magandang pag-aralan, ang kasaysayan sa pananaw ng dayuhan o sa sarili nating pananaw?

ang pag-aaral ng kasaysayan ay isang hamon sa lahat. sa mga guro at sa mga mag-aaral. at dapat nating tandaan, ang lahat ay guro at ang lahat ay mag-aaral.

5 comments:

Anonymous said...

isa kang magaling na manunulat... sana ipagpatuloy mo ang iyong magagandang mga kasulatan.... sana sa bawat araw na iyong buhay ay makakita ka ng inspirasyon para ipagtuloy-tuloy ang iyong pagsulat.... peace:)

Anonymous said...

sir! bakit ppo di na kayo naguupdate ng blog? ilang beses ko na po chineck 'to pero ito parin yung last na entry. I'm looking for more.

Anonymous said...

elo sir glen,
nauunawaan ko pong malawak ang pananaw ninyo sa buhay...
sana'y manatili ang inyong pagiging kritikal hangang sa inyong pagtanda...

Anonymous said...

Past is past? How about the "kasalukuyan" and "kinabukasan"? maituturo ba?
gawa ka naman tungkol dun...
wala na kasi ako socio 102, kaya tyempuhan nalang kung makita pa kita sa campus.

More power to you great atheist!

cngu019 said...

sa ngayon,marami ang may ayaw sa history pero ito nga ang pnakagus2 q s lahat.hindi natin matutunang ipagmalaki ang ating sarili kung hindi nmn natin alam ang ating kasaysayan.

umaasa ako na marami pang estyudante ang makakabasa pa ng inyong mga gawa at makakatulong sa knila para lalo pang maunawaan ang buhay.

ayos!