bilang isang tatay
lalabas ako kasama ng aking mga kaibigan kung kinakailangan
subalit higit sa lahat
lalabas ako kasama ng aking pamilya sa tuwi-tuwina
bilang isang tatay
tinitingnan ko ang aking asawa na isang babae
subalit higit sa lahat
tinitingnan ko ang aking asawa na tao bago naging babae, kabiyak at kaagapay sa buhay
bilang isang tatay
makikipaglaro ako sa maraming bata
subalit higit sa lahat
mikikipaglaro ako sa aming supling - makikipagkwentuhan, makikipagkulitan
bilang isang tatay
magpapakita ako ng nadarama sa kalagayan ng lipunanan
subalit higit sa lahat
magpapakita ako ng nadarama sa aking pamilya, sa aming anak - makikiiyak, makikitawa
dahil
isa akong tatay
isa akong tao
kumikilala sa kahalagahan ng pamilya, ng anak, ng asawa, ng buhay
Sunday, June 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
napaka devoted mo sir. sana ako din pag tanda ko, ganyan din ka devoted sa asawa at anak..
Sir, lupet mo tlga. Idol
may request ako na isulat mo,
magsulat ka sir tungkol sa kalagayan ng ating mga kapulisan sa larangan ng kasanayan sa mga kritikal na sitwasyon tulad nung nangyari sa manila bus hostage drama. more power to you sir.=]
Post a Comment