Wednesday, June 22, 2011

Walang Crab Mentality

Madalas sinasabing buhay sa mga Pinoy ang crab mentality. Ayaw umano nating makitang may ibang taong umaangat kung kaya at hinahatak natin sila pababa. Ayaw ba talaga nating umunlad?

Ano nga ba ang pag-unlad? Ayon kay Glenn, nangangahulugan ito ng pagtamasa ng kaginhawahan habang nabubuhay. Sa kahulugang ito, malamang ay mga katoliko lamang sa Pilipinas ang ayaw ng pag-unlad dahil sa kaisipang itinatak ng mga Espanyol sa pag-iisip ng mga sinaunang Pilipino na mapalad ang mga inaapi dahil makalalasap sila ng ginhawa sa langit. (with apologies to all Catholics) Kailangan ng lahat ang pag-unlad. Kailangan ng lahat guminhawa ang buhay! Kung gayon, bakit nabuo ang kaisipang crab mentality?

Ang kaisipang ito ay pag-uugaling ipinaangkin sa atin ng mga nagmamagaling na Kano. Mga taong gumagawa ng pahayag nang hindi isinasaalang-alang ang kultura ng pinahahayagan. Hindi kasi alam ng mga Kano ang konsepto ng "kapwa" kung saang ang pagkilala natin sa lahat ng hilalang ay ka puwang - tinitingnan natin ang bawat isa na may pantay na karapatan sa lahat. Sa ganitong usapin, makikitang ang kaisipan natin ay sama-sama tungo sa pag-unlad at hindi individualistic na hindi maintindihan ng mga nagmamarunong na puti.

Dapat nating itama ang ating kaisipan. Baguhin natin ang mga nasulat sa mga aklat na walang pagpapatibay na pangkultura sapagkat hangga't may mga ganitong nasusulat, babaon at aangkinin na talaga natin ang maling pananaw na ito.

Hindi totoo ang crab mentality! Hindi tayo naghahatakang pababa, ang konsepto natin ng pag-unlad ay sama-sama!

11:19 PM 6/22/2011

1 comment:

huge said...

Ser, naisip ko lang, ang nakikita ng marami ay ang mga talangkang naghihilahan pababa sa loob ng batya pero walang nakakawala. lahat nahuhulog pabalik. pero hindi nakita ng nagmamasid ang batya. Ang crab mentality ay umiiral at iiral lamang kung sa kinalalagyan ay walang kalayaan. subukan mong palayin yan, ewan ko lang kung maghabulan sila at maghilahan.