sa tuwing magtatapos ang sem, isang requirement ang madalas inaayawan ng mga estudyante - ang mga sulating papel (term paper, book review, thesis at kung anu-ano pa). ayaw man natin subalit wala tayong magagawa sapagkat kailangan nating gumawa upang makapasa. pero, paano nga ba ang magsulat?
maraming mga bagay-bagay ang dapat isinasaalang-alang ng mga nagnanais magsulat o naatasang magsulat. mahalagang malalim ang kaalaman natin sa wikang ating gagamitin. ganoon din lalo na sa paksang ating tatalakayin. kung kailangang mag-research o mag-interbyu upang lumalim ang kaalaman sa paksa, gawin ito. mahalaga rin ang kakayahang maisaayos ang pagkakasunud-sunod ng kaisipang nais ipabatid. gayun din, mahalagang alam natin kung sino ang nais nating magbasa nito. kung kinakailangang kumopya sa gawa ng iba, huwag itong ariing sarili bagkus ay kilalanin at isulat kung sino ang tunay na may akda at higit sa lahat SIGURUHING KAYANG PANINDIGAN ANG MGA SINULAT dahil wala ka nang panahong linawin at ipagtanggol pa ang iyong mga tinuran.
maging gabay sana natin ang mga tinuran para sa isang maayos at malinaw na sulatin
No comments:
Post a Comment