Friday, February 13, 2009

TAO

maraming nagsasamantala
inaakalang mas malakas sila
dahil kinikilala ang sariling
lalaki

maraming napagsasamantalahan
inaakalang mas mahina sila
dahil kinikilala ang sariling
babae

wala sanang nagsasamantala
wala sanang napagsasamantalahan
wala sanang mas malakas
wala sanang mas mahina
kung kinikilala ang sariling
bago naging lalaki
at
bago naging babae
una sa lahat
siya ay
TAO