Sunday, June 20, 2010

Panata ng Isang Tatay

bilang isang tatay
lalabas ako kasama ng aking mga kaibigan kung kinakailangan
subalit higit sa lahat
lalabas ako kasama ng aking pamilya sa tuwi-tuwina

bilang isang tatay
tinitingnan ko ang aking asawa na isang babae
subalit higit sa lahat
tinitingnan ko ang aking asawa na tao bago naging babae, kabiyak at kaagapay sa buhay

bilang isang tatay
makikipaglaro ako sa maraming bata
subalit higit sa lahat
mikikipaglaro ako sa aming supling - makikipagkwentuhan, makikipagkulitan

bilang isang tatay
magpapakita ako ng nadarama sa kalagayan ng lipunanan
subalit higit sa lahat
magpapakita ako ng nadarama sa aking pamilya, sa aming anak - makikiiyak, makikitawa

dahil
isa akong tatay
isa akong tao
kumikilala sa kahalagahan ng pamilya, ng anak, ng asawa, ng buhay

Wednesday, March 31, 2010

butas

butas
hindi palaging bilog
hindi palaging tagusan
hindi pwedeng palaging daanan

butas
kahit anong tagusan
kahit anong kita ang likuran
kahit anong pwedeng lusutan
kahit anong kakulangan o pagkakamali sa isang pahayag

butas
ugat ng tunggalian
ugat ng pagbabago
ugat ng pinagmulan

Saturday, February 13, 2010

Sunday, January 31, 2010

ang guro

malawak
. . . ang pagtalakay sa maraming bagay
humahalaw

. . . ng kaalaman sa maraming larangan

hindi humihiram
. . . ng talino sa certificate at kasuotan
may malawak na kaalaman
may sariling pag-iisip
may talinong laan sa sambayanan