Sunday, June 20, 2010

Panata ng Isang Tatay

bilang isang tatay
lalabas ako kasama ng aking mga kaibigan kung kinakailangan
subalit higit sa lahat
lalabas ako kasama ng aking pamilya sa tuwi-tuwina

bilang isang tatay
tinitingnan ko ang aking asawa na isang babae
subalit higit sa lahat
tinitingnan ko ang aking asawa na tao bago naging babae, kabiyak at kaagapay sa buhay

bilang isang tatay
makikipaglaro ako sa maraming bata
subalit higit sa lahat
mikikipaglaro ako sa aming supling - makikipagkwentuhan, makikipagkulitan

bilang isang tatay
magpapakita ako ng nadarama sa kalagayan ng lipunanan
subalit higit sa lahat
magpapakita ako ng nadarama sa aking pamilya, sa aming anak - makikiiyak, makikitawa

dahil
isa akong tatay
isa akong tao
kumikilala sa kahalagahan ng pamilya, ng anak, ng asawa, ng buhay