hirap na hirap ako
sa pagsagot sa mga eksam
ng mga gurong naturingan
subalit
pagpapahirap lamang ang alam
at
kung pumasok ay minsan lang
hirap na hirap ako
sa pagsagot sa mga tanong
na kung titingnan
ay walang kabuluhan
dahil
hindi lapat sa katotohanan
hirap na hirap ako
sa pagpapaliwanag
ng mga teoryang kanluraning
pilit na ginagamit
at inilalapat sa kultura natin
mahirap mag-aral
kung ang itinuturo
ay hindi totoo
at hindi atin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
totoo...
walang mahirap sa gustong matuto....
tama.
tamaaaa -chaos :D
Post a Comment