12:45 PM 2/14/2014
Sa panahon ngayon,
parang ayaw ko nang maging lalaki
dahil,
sa pananaw nag lipunan
kami ang may sala
sa sakit at pasakit
na nararanasan ng mga babae.
Sa panahon ngayon,
parang mahirap maging lalaki
dahil,
sa pananaw ng lipunan
dapat kaming maging malakas
na hindi nasasaktan
at handang magbigay ng pasakit sa mga babae
Sa panahon ngayon,
hubad na hubad na kaming mga lalaki
dahil,
madalas gawing pulutan
ng mga nagsusulong ng karapatan ng babae
at binibigyan ng paglalarawang
pilit ipinaaangkin sa mga lalaki
na kami'y
nagbibigay hirap at pasakit sa mga babae
walang karapatang umiyak 'di tulad ng babae
nagbabayad ng utang kapag ang anak ay babae
nagtataksil sa mga babae
nambababae
at naghahanap ng babaeng may suso
subalit kami'y mga lalaki
umiibig, naaaliw
ngumingiti, lumuluha at
kasabay ng babae sa paglalakbay sa tunay na buhay
kami'y mga lalaki
tao ring tulad ng mga babae
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Thumbs Up pare!
Post a Comment