Tuesday, July 25, 2006

sa kabila ng lahat

photographer ako
subalit sa aking kasal
wala akong picture

guro ako
subalit aking anak
'di ko maturuan at di mapag-aral

karpintero ako
ngunit sariling bahay
ay wala ako

kusinero ako
subalit sa bahay ko'y
walang maluto para sa pamilya

at marami pa kaming mga manggagawa
patuloy na nagsusumikap
ngunit di makalasap kahit kaunting ginhawa

sa kabila ng lahat
patuloy kaming naglilingkod
patuloy kaming nabubuhay
para sa sambayanan

kami ang mga photographer
pakinggan po ninyo kami
kami ang mga karpintero
pakinggan po ninyo kami
kami ang mga guro
pakinggan po ninyo kami
kami ang mga kusinero
pakinggan po ninyo kami

kami ang mga manggagawang bumubuhay sa mundo
kami ang mga manggagawang pinapatay ng mundo

7 comments:

Anonymous said...

malupit na tula ito... ikaw ba ang may gawa? lupet.

fattie said...

ganyan tlga sir..

twag jan..buhay PINOY!!

Violence said...

Karamihan naman hirap ang nararanasan. subalit nasa ating kamay kung paano ito maabot at makukuha.... sana lage nating tandaan bago ang ginhawa lageng may hirap... makukuha mu lamang ang gusto mo kung pagtutuunan mo ito ng pansin... sa mundong ito madaming mali lalo na sa ating gobyerno... pero sana unahin natin ang pagbabago sa ating sarili bago sa iba...

aila marnel said...

vain! ganda!

aila marnel said...

vain! ganda!

Jemaline said...

LUPET MO TALAGA SIR!! galing !

Jemaline said...

LUPET MO TALAGA SIR!! galing !