Tuesday, July 25, 2006

Trapik

'Di ko kabisado ang Cubao.
Ang alam ko lang, matrapik sa Cubao.

'Di ko alam na...
Sa nagbebenta ng sigarilyo,
pati babae mabibili.

'Di ko alam na...
Ang Ali Mall, tulad din ng Harrison,
may babaeng ipinagbibili.

'Di ko alam na...
'di rin natutulog ang Cubao.
Sa gabi't araw, may ibinubugaw.

'Di ko kabisado ang Cubao.
Ang alam ko lang, matrapik sa Cubao.

3 comments:

Anonymous said...

oi pareng glenn matrapik talaga sa cubao pero piling ko kabisado mo ang cubao.

love you

Anonymous said...

anung di kabisado... e alm m nga na my binbentang babae... cguro bumili k n nuh?!! hehe...

Anonymous said...

wala akong masabi kung hindi... may tama ka! hehe...